Sunday, February 7, 2010

LIHAM SA ISANG KAIBIGAN


Hindi Masabi

Mary Christine C. Rebamonte

Alam kong nagtataka ka kung saan patungkol ang sulat na ito. Maaaring pagkatapos mong mabasa ito ay balewala lang sa'yo. Ngunit kahit ganoon pa man, ang mahalaga lang ay malaman mo ang nasa isipan ko. Alam mo, hindi ko hilig ang magsulat. Ni kahit subukang maging bukas sa isang tao. Tanging ikaw lamang ang aking pinagkatiwalaan. Hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Di ko rin alam kung paano ito dapat tapusin. Ewan, basta kailangan kong masabi ito sa iyo.

Masaya akong nakilala kita. Masaya dahil naging magkaibigan pa tayo. Nabanggit ko sa iyo ang tungkol sa wish ko noong bata pa ako. Alam mo, natupad mo ang 90% ng hiling ko kaya nagpapasalamat ako sa iyo. Hindi ko alam kung bakit at paano ka naging ganoon kahalaga sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit, hindi na mahalaga kung bakit, ang importante ay alam kong bilang kaibigan ay mahal na mahal kita.

Simula ng makilala kita, nagbago na ang buhay ko. Tinuruan mo ako maging mapagpasensiya, magtiwala at masikap. Isa akong tamad na estudyante – sa totoo lang. Nagsusulat lang ako kung kailangan. Pero, alam mo ba na simula nang maging magkaibigan tayo ay naging masipag na talaga ako sa mga gawain ko. Ginagawa ko na kasi ito pagkabigay pa lang upang magkaroon ako ng pagkakataong madalaw ka. Para sa iyong kaalaman, matagal na sana akong tumigil sa pagpunta sa "doon" kung hindi lang dahil sa iyo. Kung tutuusin hindi naman mahalaga sa akin kung magkasakit man ako. Naniniwala ako na kung dapat ka nang mamatay kahit ano pa kalusog ang katawan mo gagawa at gagawa SIYA ng paraan upang masawi ka.

Isang taon mula ngayon, naaalala ko pa lahat ang mga nangyari. Wala akong nakakalimutan! Maging ang amoy ng pabango mo. At kahit naisin ko mang kalimutan ang mga alaalang iyon ay mahirap, lalo na’t lahat halos ay masasaya at magagandang alaala. Naaalala ko pa kung saan kita unang nakita, kailan ka unang nagsabi sa akin ng iyong mga sikreto at kung kalian kita unang pinaiyak.

Gusto ko kung paano mo ako tratuhin dati. Pakiramdam ko mahalaga rin pala ako sa mundo at may nag-aalala rin pala sa akin. Kaya naman, pinilit kong mangako ka. Nais kong kahit malayo tayo ang alam ko pa rin kung ano ang nangyayari sa iyo. Kung inaway ka na naman ba ng mga naiinggit sa iyo o ikaw ba ang nang-away sa kanila, kung pinagalitan ka na naman ba o pinuri ng amo mo. Ang maliit na impormasyong iyon ay mahalaga sa akin. Isang karangalan para sa akin ang mapagsabihan ng mga sikreto ng isang tao at hindi lang dahil tsismosa ako. Biruin mo sa dami ng mga kaibigan mo, ako pa? Ako pa na isang mangmang na tatanga-tanga ang pinagkatiwalaan mo?

Ang mahirap kasi, nasanay akong lagi kang mabait sa akin. Nasanay na lagi kang nariyan sa oras na kailangan kita. Kung alam mo lang ang nadarama ko sa tuwing magagalit ka sa akin noon kapag hindi ako nagrereply. Sa totoo lang, kahit nag-aalala ako na baka magalit ka ay natutuwa pa rin ako dahil hinahanap mo rin pala ako. Nasanay akong sa tuwing makikta mo ako’y yayakapin mo ako na para bang kay tagal nating hindi nagkita at kahit kung minsan ay nahihiya ako ay niyayakap na rin kita. Nasanay akong maging tapat sa iyo at ni hindi ko nga kayang maglihim sa iyo nang matagal. Higit sa ano pa man, nasanay akong mahalin ka bilang matalik kong kaibgan. Nasanay.

Bigla, nagbago ang lahat. Pakiramdam ko ay kaaway ko ang buong mundo, pakiramdam ko ay naloko ako nang ilang beses na wala akong nagawa dahil isa akong tanga at walang kwentang tao. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaya, dahil sa pagkalito, nagawa ko ang kasalanang iyo. Nagalit ako noon! Sa isip ko hindi na ako dapat magpakita sa iyo. Hindi mo naman ako kailangan pa. Subalit, huli na nang matauhan ako. Nalilito ako noon kaya tinanong ko ang panginoon. Humingi ako ng tulong kung ano ang aking dapat gawin. Kaya, nagpakita ako sa iyo ulit. Inamin ko ang kasalanan ko at talagang pinagsisihan ko iyon dahil hindi ako naging makatarungan sa ginawa ko. Sinira ko ang tiwala mo!

Ngayon, naisip ko na ang dahilan kung bakit ka nagbago. Kung bakit hindi na tulad ng dati ang turing mo sa akin. Sa totoo lang, ayaw kong mainggit. Ayaw kong magselos at ni ayaw kong aminin sa sarili kong nararamdaman ko iyon. Bukod sa alam kong masama iyon lalo pa’t kaibigan ko rin sila ay masakit din sa pakiramdam. Masakit. Masakit na para bang hindi mo alam kung saan nanggagaling. Na gusto mong patayin ang pakiramdam na iyon ngunit hindi mo alam kung paano! Na wala kang ibang magawa kundi umiyak na lamang upang sa ganoon ay mabawasan nang kaunti ang sakit.

Alam mo bang masakit isiping ang taong mahal mo ay hindi ka na mahal, na ang taong pinahahalagahan mo higit sa sino pa man ay di ka na pinahahalagahan at higit sa lahat masakit na ang dating kaibigan mo at itinuring mong natatangi sa lahat ay wala na at naglaho na sa kanyang katauhan.

Aaminin ko, naiinggit ako sa kanila dahil pwede ka nilang makasama araw-araw, oras-oras. Malaya silang tao. Nagagawa nilang gawin ang gusto nilang gawin. Naiinggit ako sa kung ano mang bagay na nagagawa nila na di ko magawa kahit kaya ko rin naman. Naiinis dahil kaya nilang makuha ang buo mong atensyon. At sa isang iglap lamang, nagawa nga nila.

Natuwa ako nang malaman kong makakasama kita sa isang trip, dahil inakala kong maibabalik ko pa ang dati nating samahan. Akala ko maibabalik ko pa ang pagiging close natin, akala kong makakausap na kita nang masinsinan at higit sa lahat, akala kong masisiyahan ako sa pagsama ko. Ngunit hindi, mali ako sa mga akala ko! Huli na pala ang lahat. Nagkalamat na ng tuluyan ang ating pagkakaibigan. Mahirap nang ayusin pa. Isa pa, nakahanap ka na ng ipapalit. At sa tingin ko ay mas magiging mabuti siyang kaibigan sa iyo. Mas makakatulong siya sa iyo.

Paano ko magagawang ayusin ang problema kung sa tuwing gagawin ko ay nanghihina ako at walang magawa kundi ang tumawa. Paano kita makakausap ng masinsinan kung sa paglapit ko pa lang sa iyo ay may kausap ka nang iba at dama ko ang tiwala mo sa kanya. Paano ako matutuwa sa pagsama ko kung parang nag-iisa lang pala ako, kung nagkakanya-kanya lang pala at ako itong tangan nahuhuli sa mga biro ninyo.

Alam mo ba ang pakiramdam na para kang pinagkaisahan? Na wala kang makausap? Kaya nga iba na lang ang kinakausap mo subalit, sa kalagitnaan ng pagkukwento mo at pagsasalita mo nang may buong kagalakan ay bigla ka namang sasabihang “di man diay ka tabian sa?” Alam mo rin ba ang pakiramdam na kung saan dati ako ang sinasabihan mo, ngayon kapag nagtatanong ako’y sasabihin mo lang na hindi ko naman kilala ang taong pinag-uusapan ninyo, tapos kayong lahat ay tawa na ng tawa habang ako ang nag-iisang walang muwang. Para mo na ring sinabing anong pakialam ko!

Isang matalik na kaibigan lang ang itinuturing kong kayamanan sa mundo at ang pagkawala nito ay isang kamatayan ng parte ng buhay ko. Ito’y isang tiyak na kabiguan para sa akin. Hindi kita sinisisi sa mga pangyayari. Alam kong hindi mo naman alam na nasasaktan ako. (Iyan ang mahirap sa pagiging malakas, kung minsan hindi na natin alam na nanghihina na pala siya). Kaya ko lamang sinasabi ito ay upang malaman mo ang totoo kong nararamdaman. Karapatan mong malaman ang iniisip ko tungkol sa iyo at alam kong gusto mo ring malaman ito.

Patawad sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Ngayon, matapos ang dalawang linggong pagsisikap ko at pag-iisip, tanggap ko na ang kinalabasan ng mga pinanggagawa ko. Sana kahit kaunti man lamang ay natuwa ka ring nakilala mo ako. Hindi ko na kayang magkunwari pang malakas ako! Dahil ang totoo’y lampa ako’t mahina. Nasanay lang kasi akong nasa tabi kita lagi kaya, inakala kong hindi ka na mawawala pa. Inakala kong sapat na ang mga ginawa ko. Sayang, kung naging mabuti lang akong kaibigan, hindi sana ganito ang kalalabasan!

Hindi ko na alam kung paano ito tatapusin. Marami pa sana akong nais sabihin, pero hindi ko na alam kung paano pa ito sasabihin kaya hanggang dito na lang. Sana ay naunawaan mo ang ibig kong sibihin! Hindi ko hinihiling na tanggapin mo ang mga sinabi ko. Sapat na ang basahin mo lang ito. Tandaan mo, kapag kailangan mo ng isang kaibigan at iniwan ka na ng lahat. Nandito lang ako laging naniniwala sa iyo! Kahit ganito lang ako, asahan mong kapag kaibigan kita’y ipaglalaban kita dahil hindi ako agad sumusuko.

Naniniwala akong sa kahuli-hulihan ay may panibagong simula at sa pagkakataong iyo’y, sana’y maging maganda na ang wakas!

30 comments:

  1. nakakrelate ako diyan

    ReplyDelete
  2. ang galing mo kristine,lahat ng nakasulat sa blog mo tugma sa karanasan ko halos.. nakakaiyak talaga..alam mo yung the climb song namin yan ng friend ko,

    ReplyDelete
  3. hahaha ako palang ang nagkokoment,ang swerte ko naman kasi ako ang nauna....

    ReplyDelete
  4. since ako palang ang unang nagcoment(first time ko din to as in LOL)share ko muna story ko. itago niyo nalang ako sa pangalang haevenly. my best friend ako itago niyo na lamang siya sa pangalang anna.5 years na kaming magkaibigan kristine. nagkakilala kami noong june 2006, pasukan un, first year high school palang ako noon. dahil unang araw palang namin wala pa akong masyadong kaibigan si maricar palang ang kakilala ko noon 2nd cousin ko un. dahil public school un magulo at medyo mainit. pero itong tao na ito ang napansin ko nasa harapan ko siya.natatandaan ko kulay green pa ang damit niya. recees un.napansin ko nakatulala lang siya . nagiisa.at parang may kung ano ang nagudyok sa akin na kausapin siya.ang unang snabi ko sa kanya bakit hindi siya magrecess sabi niya wala daw siyang baon.naawa ako kaya inalok ko siya ng pagkain na dala ko.nagusap kami at nakilala ko siya.naglalakad lang pala siya papunta dito school. 10 pesos lang ang baon niya isang araw. lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya sa ikwenento niya sakin.dumaan pa ang araw naging close na kami ni anna. nalaman ko marami pala silang magkakapatid 12 sila. kompara sakin 1 ko lang na anak.isang pinagsagot kami ng teacher namin sa math.parehas pala kaming mahina doon kaya un sabay kaming pinagsagot ng mam namin sa math.hahahah.tapos myron pa kaming nakilala marife ang pangalan niya galing siya sa malayong lugar. naging friend din namin.un.naging tampulan kami ng tukso ni anna pero ok lang basta magkasama kami. kahit lagi kaming pinagsasagot at madalas pagtawanan basta makakasama kaming tatlo ok lang.tapus isang pinaglinis kami ni mam. nagarden kasi kami tapus pumitas si anna ng halaman na kulay pink ang kulay nagtaka ako kung bakit pumitas siya.bakit ka pumipitas mamatay na yang halaman.magtatanim ako un ang sabi niya.VIETNAM ROSE ito madali lang itong mabuhay un ang sabi niya. nainspire din akong kumuha kaya nagtanim din ako. kahit sa maliit ni lalagyan lang. alam niyo pu noong grade 6 ako wala akong ganang magaral kasi feeling ko walng namang naniniwala saking kakayahan pero dumating itong tao na ito.nainspire ako na magaral at magreview kahit hindi ako magalng sa school.awa ng diyos kahit na mahina ako sa math nakakapasa parin ako kahit papano.. ang hiling namin noon ni anna magkatop kami. ako ang top 1 at siya ang top sabi ko bakit top 2 ka?dapat dalawa tayo un ang sabi ko khit hindi naman magkatotoo. masaya pala ang mayroong kaibigan my nakakaintindi sayo.at my nakakaalam ng nararamdaman mo.tapos dumating ang 2nd year, di na kami naging magkaklase ni anna, tapos doon naman kami nagaway ni marife sa di malamang dahilan.nagbago na kasi siya, kaya un naaway kami.kahit na ganun buti nalang anjan si anna kahit nasa ibang sektion lang.araw araw ko siyang pinupuntahan. hindi kami nagaaeway ni anna mabuti kaming magkaibigan.sumapit kami sa 4th doon na kami nagsimulang magaway at di magkaintindihan. sa totoo lang minsan mali niya din ayaw niya lang aminin sakin pero dahil impurtante sakin ang friendship namin ako nalang ang nagpapakumbaba sa kaniya.kunting bagay lang naman pero nakakainis kasi. pero khit na ganun nandoon parin ang pasinsiya ko sa kanya iniintindi ko parin.dumating ang graduation namin akala ko un na ang huli naming pagkikita pero hindi pala.tapos noong june sabay kaming nagaral parehas din kami ng kussong kinuha. pero ito na siguro ang pagsubok sa aming pagkakaibigan.sa pagpasok namin sa colege marami kaming nakilala,un ang nakaimpluensya sa kanya na makipagbarkada sa iba.hindi naman ako nagagalit na makipagkaibigan siya kaya lang,aayaw kasi ni anna na matawag siyang isip bata, gusto niyang tangapin siya ng buong mundo. kaya un natutu na rin siyng uminom. hindi naman marami kaya lang pangit naman tignan sa babae ung ganun. tapus un nagtampu ako sa kanya at di ko siya kinausap.napagisip isip niya din siguro na mali siya kaya un. nakipagbati siya sakin. tinangap ko naman.binigyan ko siya ng 2nd chance pero, parang ang laki na ng pinagbago siguro hindi na siya tulad ng dati na mabait.

    ReplyDelete
  5. pero simula noon ngabago na siya sakin at ngayon honestly andito si anna. on the training kasi kami ngayon.pero ang laki na ng pinagbago niya. gaun talaga cguro lahat nagbabago na nakakalungkot at the same time ang sakit talaga balewala na s kanya khit na nasasaktan ako.pero ok lang i guees i made my part naman as a good friend alam ko na hindi ako ang pinakamabuting kaibigan pero sa tingin ko ginawa ko na lahat. siguro my rason ang diyos kung bakit nangyayari ito sa atin. ngayong taon na ito kami magragraduate ng college. pero masaya na siguro siya kasi tinangap na siya ng maga kaklase namin.ganun ang nangyayari sa kin ngayon laging out of place.masaya nga siya ngayon, kasi marami na siyang kaibigan.pero ok lang salamat kasi ginawa mo ang blog na ito dedicated ko yan kay anna. tnx and Godbless

    ReplyDelete
  6. ate kristine ikaw ba yang nasa picture.cute mu pala its me heavenly

    ReplyDelete
  7. but i learn my lesson now,napatunayan ko kung sino talaga abg totoong kaibigan na maituturing.nandiyan lang sila hindi natin napapansin maaring isa lang siya pero tatlo silang pinakamabuting kaibigan mundo. wala nang mas hihigit pa sa kanila si GOD at mga MAGULANG NATIN..sila ang mabuting kaibigan na khit makalimut ka babalik ka parin sa kanila. salamat sa blog na ito at naibuhos ko ang kabiguan ko ngayong araw na ito. pwede bang magpaskil ng picture dito.HEAVENLY

    ReplyDelete
  8. as in ako palang talaga yeeh ako palang hahhaaaa

    ReplyDelete
  9. ate kristine paano po ba gumawa ng blog.HEAVENLY ulit

    ReplyDelete
  10. huhuhuhuhu hindi ko na kayo so painfull

    ReplyDelete
  11. Kahit sino ay pwede nating maging kaibigan. Pero ang pinaka una nating kaibigan ay ang Panginoong Hesus na nagbabantay o naggagabay sa atin. Wag ding kalimutan na ang maasahan o ang pinaka mabait na kaibigan sa mundo ay ating mga magulang.

    ReplyDelete
  12. LEARN TO FLY BY:A1 When you feel the dream is over
    Feel the world is on your shoulders
    And you lost the strength to carry on
    Even though the walls may crumble
    And you find you always stumble through
    Remember never to surrender to the dark
    Cuz if you turn another page
    You will see that's not the way
    The story has to end

    And if you need to find a way back
    Feel you're on the wrong track
    Give it time, you'll learn to fly
    Tomorrow is a new day
    And you will find your own way
    You'll be stronger with each day that you cry
    Then you'll learn to fly

    In your head, so many questions
    The truth is your possession
    The answer lies within your heart (within your heart)
    You will see the doors are open
    If you only dare to hope
    And you will find a way to fight
    The fears that kept you down
    Cuz if you turn another page
    You will see that's not the way
    The story has to end

    And if you need to find a way back
    Feel you're on the wrong track
    Give it time, you'll learn to fly
    Tomorrow is a new day
    And you will find your own way
    You'll be stronger with each day that you cry
    Then you'll learn to fly

    Looking at your situation
    There's so much that you can do
    Now's the time to make your stand
    This is just an observation
    In the end it's up to you
    The future's in your hands

    And if you need to find a way back
    Feel you're on the wrong track
    Give it time, you'll learn to fly
    Tomorrow is a new day
    And you will find your own way
    You'll be stronger with each day that you cry
    Then you'll learn to fly

    Give it time
    Then you'll learn to fly

    ReplyDelete
  13. gandang kanta yan. nakakainspire heavenly

    ReplyDelete
  14. "Everytime" a1

    [MARK:] LATELY I'M NOT WHO I USED TO BE
    SOMEONE'S COME AND TAKEN ME
    WHERE I DON'T WANNA GO
    IF I KNEW EXACTLY WHAT I HAVE TO DO
    IN ORDER TO BE THERE FOR YOU
    WHEN YOU WERE FEELING LOW

    [BEN:] AND ALL THE THINGS WE EVER WANTED
    WERE ONCE YOURS AND MINE
    NOW, I KNOW WE CAN REVIVE IT
    ALL THE LOVE WE LEFT

    [PAUL:] EVERYTIME I KISS I FEEL YOUR LIPS AND
    EVERYTIME I CRY I SEE YOUR SMILE AND
    EVERYTIME I CLOSE MY EYES I REALISE THAT
    EVERYTIME I HOLD YOUR HAND IN MINE
    THE SWEETEST THING MY HEART COULD EVER FIND
    AND I HAVE NEVER FELT THIS WAY
    SINCE THE DAY I GAVE YOUR LOVE AWAY

    [CHRISTIAN:] SAVE ME, I'VE FALLEN FROM MY DESTINY
    YOU AND I WERE MEANT TO BE
    I'VE THROWN IT ALL AWAY
    NOW YOU'RE GONE
    IT'S TIME FOR ME TO CARRY ON
    BUT BABY I JUST CAN'T GO ON
    WITHOUT YOU BY MY SIDE

    [BEN:] AND ALL THE THINGS WE EVER WANTED
    WERE ONCE YOURS AND MINE
    NOW, I KNOW WE CAN REVIVE IT
    ALL THE LOVE WE LEFT

    [PAUL:] EVERYTIME I KISS I FEEL YOUR LIPS AND
    EVERYTIME I CRY I SEE YOUR SMILE AND
    EVERYTIME I CLOSE MY EYES I REALISE THAT
    EVERYTIME I HOLD YOUR HAND IN MINE
    THE SWEETEST THING MY HEART COULD EVER FIND
    AND I HAVE NEVER FELT THIS WAY
    SINCE THE DAY I GAVE YOUR LOVE AWAY

    [BEN:] WE CAN SURVIVE IT
    ALL THE PAIN WE FEEL INSIDE
    YOU RELIED ON ME AND NOW I'VE LET YOU DOWN
    NOW, I PROMISE YOU FOREVER
    I WILL BE THE BEST I CAN
    NOW, I KNOW WE CAN REVIVE IT
    ALL THE LOVE WE LEFT

    [PAUL:] EVERYTIME I KISS I FEEL YOUR LIPS AND
    EVERYTIME I CRY I SEE YOUR SMILE AND
    EVERYTIME I CLOSE MY EYES I REALISE THAT
    EVERYTIME I HOLD YOUR HAND IN MINE
    THE SWEETEST THING MY HEART COULD EVER FIND
    AND I HAVE NEVER FELT THIS WAY
    SINCE I GAVE YOUR LOVE AWAY

    EVERYTIME I KISS I FEEL YOUR LIPS AND
    EVERYTIME I CRY I SEE YOUR SMILE AND
    EVERYTIME I CLOSE MY EYES I REALISE THAT
    EVERYTIME I HOLD YOUR HAND IN MINE
    THE SWEETEST THING MY HEART COULD EVER FIND
    AND I HAVE NEVER FELT THIS WAY
    SINCE THE DAY I GAVE YOUR LOVE AWAY

    ReplyDelete
  15. "Tomorrow"a1

    You used to say that everyday.
    We will always be this way.
    Flying Angels lifting high to reach the sun were I belong.
    Girl you know you are the one.
    Above the clouds I see you cry.

    [Pre-Chorus:]
    You know that when you smile.
    You stop the rain and we will be together. Once again.

    [Chorus:]
    Although I'm gone, remember me.
    Please be strong I'll never leave.
    Just hold on, to the memories.
    Coz while I'll here, all I'm thinking about is tomorrow.

    I'll always know the love you've shown.
    Means I'll never be alone
    There'll be times you wonder why.

    But seeing you with someone new.
    Used to make me feel so blue.
    But know I'm with you, all the time.

    [Pre-Chorus]
    [Chorus]

    From the moment that I looked into your eyes.
    All of my life I thought I'll be there.
    By your side, I wish I'll took the time to find the words to say.

    You know when you stop the rain.
    And we will be together once again.

    [Chorus]
    Coz while I'm here, all I'm thinking about is tomorrow.

    ReplyDelete
  16. "Heaven By Your Side"a1

    [CHRISTIAN:] YOU AND I, CANNOT HIDE
    THE LOVE WE FEEL INDSIDE,
    THE WORDS WE NEED TO SAY.

    [MARK:] I FEEL THAT I
    HAVE ALWAYS WALKED ALONE.
    BUT NOW THAT YOU'RE HERE WITH ME,
    THERE'LL ALWAYS BE A PLACE THAT I CAN GO.

    [PAUL:] SUDDENLY OUR DESTINY
    HAS STARTED TO UNFOLD.

    [BEN:] WHEN YOU'RE NEXT TO ME
    I CAN SEE THE GREATEST STORY LOVE HAS EVER TOLD.

    [ALL:] NOW MY LIFE IS BLESSED
    WITH THE LOVE OF AN ANGEL.

    [BEN:] HOW CAN IT BE TRUE?

    [ALL:] SOMEBODY TO KEEP THE DREAM ALIVE.

    [BEN:] THE DREAM I FOUND IN YOU.

    [ALL:] I ALWAYS THOUGHT THAT LOVE
    WOULD BE THE STRANGEST THING TO ME

    [BEN:] BUT WHEN WE TOUCH, I REALISE
    THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN BY YOUR SIDE.

    [PAUL:] I COULD FLY, WHEN YOU SMILE.
    I'D WALK A THOUSAND MILES
    TO HEAR YOU CALL MY NAME.

    [BEN:] NOW THAT I HAVE FINALLY FOUND THE ONE
    WHO WILL BE THERE FOR ME ETERNALLY
    MY EVERLASTING SUN.

    [MARK:] SUDDENLY OUR DESTINY HAS STARTED TO UNFOLD.

    [CHRISTIAN:] WHEN YOU'RE NEXT TO ME
    I CAN SEE THE GREATEST STORY LOVE
    HAS EVER TOLD.

    [ALL:] NOW MY LIFE IS BLESSED WITH THE LOVE OF AN ANGEL.

    [BEN:] HOW CAN IT BE TRUE?

    [ALL:] SOMEBODY TO KEEP THE DREAM ALIVE.

    [BEN:] THE DREAM I FOUND IN YOU.

    [ALL:] I ALWAYS THOUGHT THAT LOVE
    WOULD BE THE STRANGEST THING TO ME.

    [BEN:] BUT WHEN WE TOUCH, I REALISE
    THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN BY YOUR SIDE.
    THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN BY YOUR SIDE

    [ALL:] HEAVEN BY YOUR SIDE,
    HEAVEN BY YOUR SIDE,
    HEAVEN BY YOUR SIDE.

    [BEN:] WHEN YOUR NEXT TO ME,
    I CAN SEE THE GREATEST STORY LOVE
    HAS EVER TOLD.

    [ALL:] NOW MY LIFE IS BLESSED
    WITH THE LOVE OF AN ANGEL.

    [BEN:] HOW CAN IT BE TRUE?

    [ALL:] SOMEBODY TO KEEP THE DREAM ALIVE.

    [BEN:] THE DREAM I FOUND IN YOU.

    [ALL:] I ALWAYS THOUGHT THAT LOVE WOULD BE
    THE STRANGEST THING TO ME.

    [BEN:] BUT WHEN WE TOUCH, I REALISE
    THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN BY YOUR SIDE.

    [ALL:] NOW MY LIFE IS BLESSED
    WITH THE LOVE OF AN ANGEL
    SOMEBODY TO KEEP THE DREAM ALIVE.
    I ALWAYS THOUGHT THAT LOVE WOULD BE
    THE STRANGEST THING TO ME.

    [BEN:] BUT WHEN WE TOUCH,
    I REALISE THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN
    BY YOUR SIDE.

    ReplyDelete
  17. QUEEN OF MY HEART WESTLIFE
    [Brian:]
    So here we stand
    In our secret place
    With a sound of the crowd
    So far away
    And you take my hand
    And it feels like home
    We both understand
    It's where we belong
    So how do I say?
    Do I say goodbye?
    We both have our dreams
    We both wanna fly
    So let's take tonight
    To carry us through
    The lonely times

    [CHORUS:]
    [All:]
    I'll always look back
    As I walk away
    Its where we
    Will last for eternity
    And all of our tears
    Will be lost in the rain
    When I find my way
    Back to your arms again
    But until that day
    You know you are

    [Bryan:]
    The queen of my heart
    The queen of my heart

    [Shane:]
    So let's take tonight
    And never let go
    While dancing we'll kiss
    Like there's no tomorrow
    As the stars sparkle down
    Like a diamond ring
    I'll treasure this moment
    Till we meet again

    [Mark: (All:)]
    But no matter how far
    (Matter how far)
    Or where you may be
    (Where you may be)
    I just close my eyes
    (I just close my eyes)
    And you're in my dreams
    And there you will be
    Until we meet

    [Repeat chorus twice]

    [Shane: (All:)]
    Oh yeah
    You're the
    Queen of my heart
    (of my heart)
    No matter
    How many years it takes
    (of my heart)
    I'll give it all to you
    Oh (of my heart)
    Oh yes you are
    The queen of my heart

    ReplyDelete
  18. "Walking In The Rain"a1

    [BEN:] SITTING BY THE WINDOW
    SINGING SONGS OF LOVE
    WISHING YOU WERE HERE
    BECAUSE THE MEMORY'S NOT ENOUGH
    WEAR MY MASK IN SILENCE
    PRETENDING I'M ALRIGHT
    IF YOU COULD SEE THEN YOU WOULD BE
    HERE STANDING BY MY SIDE

    IT MAY BE HARD TO BELIEVE
    BUT GIRL YOU'RE THE ONLY ONE I NEED
    IT MAY BE HARD ALONG THE WAY
    IT'S THIS FEELING I GET
    WHEN BLUE SKIES TURN TO GREY

    FEELS LIKE I'M WALKING IN THE RAIN
    I FIND MYSELF TRYING TO WASH AWAY THE PAIN
    CAUSE I NEED YOU TO GIVE ME SOME SHELTER
    CAUSE I'M FADING AWAY
    AND BABY, I'M WALKING IN THE RAIN

    [CHRISTIAN:] EVERY SINGLE HOUR
    OF EVERY SINGLE DAY
    I NEED TO CRY, MY EYES ARE DRY
    I'VE CRIED MY TEARS AWAY
    CAN'T HELP BUT REMEMBER
    HOW YOU MADE ME FEEL
    YOU DRESSED MY SOUL AND MADE ME WHOLE
    YOU MADE MY LIFE COMPLETE

    IT MAY BE HARD TO BELIEVE
    BUT GIRL YOU'RE THE ONLY ONE I NEED
    IT MAY BE HARD ALONG THE WAY
    IT'S THIS FEELING I GET
    WHEN BLUE SKIES TURN TO GREY

    FEELS LIKE I'M WALKING IN THE RAIN
    I FIND MYSELF TRYING TO WASH AWAY THE PAIN
    CAUSE I NEED YOU TO GIVE ME SOME SHELTER
    CAUSE I'M FADING AWAY
    AND BABY, I'M WALKING IN THE RAIN

    [BEN:] OF ALL WE'VE SAID AND DONE
    REMAINS THE MEMORIES OF DAYS
    WHEN LIFE WAS FUN
    BUT NOW WHEN YOU ARE GONE
    I SIT ALONE TO WATCH THE
    SETTING OF THE SUN
    FEELS LIKE I'M WALKING IN THE RAIN
    I FIND MYSELF TRYING TO WASH AWAY THE PAIN
    CAUSE I NEED YOU TO GIVE ME SOME SHELTER
    CAUSE I'M FADING AWAY
    AND BABY, I'M WALKING IN THE RAIN

    [CHRISTIAN:] I SAID BABY, I'M WALKING IN THE RAIN

    ReplyDelete
  19. "All Or Nothing"westlfe

    I know when he's been on your mind
    That distant look is in your eyes
    I thought with time you'd realize it's over, over
    It's not the way I choose to live
    Bit something somewhere's gotta give
    As sharing in this relationship gets older, older

    You know I'd fight for you but how could I fight someone who isn't even there
    I've had the rest of you now I want the best of you I don't care if that's not
    fair

    Cuz I want it all
    Or nothing at all
    There's nowhere left to fall
    When you reach the bottom it's now or never
    Is it all
    Or are we just friends
    Is this how it ends
    With a simple telephone call
    You leave me here with nothing at all

    There are time it seems to me
    I'm sharing you with memories
    I feel it in my heart but I don't show it, show it
    Then there's times you look at me
    As though I'm all that you cN see
    Those times I don't believe it's right I know it, know it

    Don't make me promises baby you never did know how to keep them well
    I had the rest of you now I want the best of you it's time to show and tell

    Cuz I want it all
    Or nothing at all
    There's nowhere left to fall
    When you reach the bottom it's now or never
    Is it all
    Or are we just friends
    Is this how it ends
    With a simple telephone call
    You leave me here with nothing at all

    Cuz you and I
    Could lose it all if you've got no more room
    No more inside for me in your life

    Cuz I want it all
    Or Nothing at all
    There's nowhere left to fall
    It's now or never

    Is it all
    Or nothing at all
    When you reach the bottom it's now or never
    Is it all
    Or are we just friends
    Is this how it ends
    With a simple telephone call
    You leave me here with nothing

    Cuz you and I
    Could lose it all if you've got no more room
    No more inside for me in your life

    Cuz I want it all
    Or nothing at all
    There's nowhere left to fall
    It's now or never

    Is it all
    Or nothing at all
    When you reach the bottom it's now or never
    Is it all
    Or are we just friends
    Is this how it ends
    With a simple telephone call
    You leave me here with nothing at all

    ReplyDelete
  20. Paglisan color it red
    Lyrics:
    Kung ang buhay ay isang
    Umagang nakangiti
    At ikaw ay ang lupang
    Sinusuyo ng bituin

    Di mo man silip ang langit
    Di mo man silip
    Ito'y nandirito pa rin

    Kung ang lahat ay may katapusan
    Itong paglalakbay ay makakarating
    Din sa paroroonan
    At sa iyong paglisan
    Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

    Sa pagbuhos ng ulan
    Sa haplos ng hangin
    Alaala mo ay nakaukit
    Sa pisngi ng langit

    Di man umihip ang hangin
    Di man umihip
    Ika'y nandirito pa rin

    Kung ang lahat ay may katapusan
    Itong paglalakbay ay makakarating
    Din sa paroroonan
    At sa iyong paglisan
    Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

    ReplyDelete
  21. kung minsan mahirap tanggapin lahat talaga ng bagay sa mundo ay my kawakasan

    ReplyDelete
  22. hi p its me ulit

    ReplyDelete
  23. grabe! ang ganda ng paggawa kahit cnong taong may TUNAY na kaibigan ang magagandahan sa sulat na ito kahit ako naalala ko ang kaibigan kong baliw hahaha sa totoo lang ang kaibigan parang kapatid na natin yan diba sa kapag nawala ito syempre halos ka;ahati na din ang mawawala sayu..

    ReplyDelete
  24. Ang ganda nga .ui bilang lng ang mga totoO at tunay Kong kaibigan perO sapat na sila para msabi kOng npakayaman kO pag dating sa pag kakaroOn ng kaibigan.wg sanasilang mwala kc ind kO kyang tumawa ng wla cla ,at ind kO kyang umiyak hanggat wla sila ind man nila mbasa tO perO Alan Kong alAm nila na sila ang buhay kO

    ReplyDelete
  25. ang ganda ng message dahil nakakarelate talaga ako pero di ko na hahabaan tong comment.. GOOD JOB and God Bless to all !!

    ReplyDelete